Angeli Khang, may sagot sa pagkakasangkot sa hiwalayang Bea Alonzo at Dominic Roque

Naging usap-usapan ang hiwalayan ng Widow's War actress na si Bea Alonzo at ng kaniyang fiancé na si Dominic Roque. At isa sa mga itinuturo umanong dahilan ng ilang mga netizens, ang Black Rider star na si Angeli Khang.
Kaya naman, sinagot na ni Angeli sa latest episode ng "Updated with Nelson Canlas podcast" ang kaniyang involvement sa nasabing hiwalayan.
“Fake news po, fake news siya. Hindi po, actually hindi po kami - never ko pa po naka-work si Bea and Dominic. And I hope I [get to] work with them soon,” aniya.
Nilinaw rin niyang hindi naman sila magkakilala nang personal ni Dominic.
Samantala, ikinuwento rin ni Angeli ang naranasan niya noong pumutok ang balitang hiwalay na sina Bea at Dominic. Ayon sa kaniya, madalas ay tinatarayan siya ng mga taong nakakakita sa kaniya sa labas na parang siya talaga ang dahilan nito.
“Every time po na lumalabas ako, nakikita ko yung mga tingin sa 'kin ng mga tao na parang hate na hate nila ako. Gusto kong mag-explain sa kanila, wait hindi po, hindi po kami magkakilala,” sabi niya.
Dagdag pa ni Angeli, para maiwasan ito ay halos isang linggo umano siyang hindi lumabas ng bahay at nagpakita sa lahat.
TINGNAN ANG IBA PANG CELEBRITIES NA TINAPOS DIN ANG KANILANG ENGAGEMENT SA GALLERY NA ITO:
Ngunit kahit sa intriga siya nagsimulang makilala ng mga tao, masaya naman ang aktres na nangyari iyon.
“Nakakatuwa lang po na kahit papaano nakikilala 'ko ng mga tao, even though it's not in a good way. Nakikilala pa rin nila ako. Pero trabaho lang po. Dominic and Bea, I love you po,” sabi niya.
Sinabi rin ni Angeli na ngayong nasa mainstream media na siya at parte na ng showbiz industry ay “reading-ready” na siya sa mga intriga. Kaya naman, handa na siyang tanggapin ang mga ito. Meron din siyang positive na outlook sa pagiging bahagi ng intriga.
Aniya, “Sabi nga nila the more na bashers or the more na issues, the more na sumisikat ka, kaya kahit lahat na ng issues ibigay n'yo na sa akin okay lang.”
Pakinggan ang buong interview ni Angeli dito:
Samantala, balikan ang kuwento ng love story nina Bea and Dominic sa gallery na ito:
















