Angelica Panganiban and Amila Sabine's precious mother-daughter moments

Kinagigiliwan netizens ang bagong chapter sa buhay ni Angelica Panganiban bilang mommy kay Amila Sabine.
Ang baby girl nina Angelica at Gregg Homan na si Amila Sabine ay ipinanganak noong September 20, 2022.
Pagkatapos nilang i-reveal si Amila o "Bean" sa social media, agad na itong minahal ng netizens dahil sa pagiging cute at charming na baby.
Narito ang ilan sa mga must-see photos nina Angelica kasama ang kaniyang unica hija na si Amila.












