Angelu De Leon and Epy Quizon, inilahad ang halaga ng 'Pulang Araw' sa kasaysayan

Inilahad nina Angelu De Leon at Epy Quizon ang kanilang mga kuwento tungkol sa 'Pulang Araw,' na napapanood ngayon sa GMA Prime at Netflix.
Sa 'Pulang Araw,' gumaganap sina Angelu at Epy bilang mag-asawang sina Carmela at Julio Borromeo. Sa kanilang pagbisita sa 'Fast Talk with Boy Abunda,' ikinuwento nila ang kanilang karanasan sa binansagang most-important series ng 2024 ng GMA.










