Angelu De Leon celebrates 'T.G.I.S.' 29th anniversary

GMA Logo TGIS cast
Source: tgis_barkada1995/IG

Photo Inside Page


Photos

TGIS cast



Ipinagdiriwang ng hit teen-oriented '90s show na “T.G.I.S.” ang kanilang 29th anniversary. Kaya naman nag-post ang isa sa mga lead star nito na si Angelu De Leon ng isang throwback picture para ipagdiwang ang milestone ng programa.

Sa Instagram, pinost ni Angelu ang litrato nila nina Bobby Andrews, Raven Villanueva, Onemig Bondoc, Red Sternberg, at Michael John Flores suot ang kanilang “T.G.I.S.” shirts.

“29! Thank God It's Sabado” caption ni Angelu sa kaniyang post.

Dagdag ng aktres sa kaniyang post, “Group hug.”

Naging sentimental naman ang ilang netziens na inalala sa comments section ang panahong pinapanood pa nila ang teen-oriented show.

Sabi ng isa, “Omg my favorite afternoon series in the nineties Solid T.G.I.S Peachy Wacks Forever.”

“Ang kabataan ko!!! Di kompleto ang sabado pag di nakapanood ng TGIS. ” sabi naman ng isa pa.

Samantala, ilang fans naman ang umaasa at humihiling na mag-reunion ang cast.

Isa sa mga pinaka-iconic sa palabas noong '90s ay ang teen-oriented show na 'T.G.I.S.' o 'Thank God It's Sabado.' Unang ipinalabas noong 1995 at nagtapos noong 1999, ang show ay tungkol sa pagresolba ng mga ordinaryong teenagers ng kanilang mga pang araw-araw na problema.

Ilan sa mga hinahangaan ngayong mga celebrity ay nagsimula at nakilala sa teen-oriented show katulad nina Dingdong Dantes, Anne Curtis, Bobby Andrews, Angelu De Leon, at marami pang iba.

Nagsimula ang 'T.G.I.S.' sa 11 teen stars noon, hanggang sa nadagdagan at napalitan ang mga bumida sa show. Ngayon, nasaan na nga ba ang mga bida nito? Tingnan sa gallery na ito:


Dingdong Dantes
Happily Married
Best Actor
Raven Villanueva
Living in the U.S.
Family
Onemig Bondoc
Family Man
Red Sternberg
U.S. Based
Michael Flores
Acting
Beautiful Family
Bernadette Allyson
Happy Family
Rica Peralejo
Loving family
Ciara Sotto
Pole Dancing
Loving mom
Sunshine Dizon
Acting
Beautiful kids
Polo Ravales
Action series
Loving Family
Antoinette Taus
Humanitarian
Dino Guevarra
Family bonding
Kim delos Santos
U.S. Nurse
Chubi del Rosario
Performer and entrepreneur
Chantal Umali
Yoga Instructor, wife, and mom
Anne Curtis
Actress-TV host
Bobby Andrews
Actor and family man
Angelu de Leon
Acting career

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 up over 27 areas as Wilma threatens to make landfall over Eastern Visayas
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU