Fast Talk with Boy Abunda
Anjo Yllana, maagang tumayo bilang padre de pamilya sa kaniyang mga kapatid

Kilala si Anjo Yllana bilang isa sa mga mahusay na aktor at komedyante lalo na noong '90s at early 2000s. Pero ang hindi alam ng marami, isang malaking responsibilidad ang tinatago ng aktor sa likod ng kaniyang pagpapatawa.
Sa pagbisita ni Anjo sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, June 4, ikinuwento ni Anjo kung papaano niya kinailangan tumayo bilang padre de pamilya sa kaniyang mga kapatid sa murang edad na 15.
Lalong kinailangan ni Anjo magseryoso sa kanyang trabaho nang sumailalim sa dialysis ang kaniyang ina na si Vicky.
Alamin ang kuwento ni Anjo sa gallery na ito:









