Anna Feliciano passes away at 65

Pumanaw na ang dancer at sikat na choreographer ng noontime shows na si Anna Feliciano sa edad na 65.
Inanunsyo ang nakakalungkot na balita ng manugang ng beteranang choreographer na si April Feliciano sa isang Facebook post.
Sulat ni April, "With heavy hearts we are announcing the passing of our beloved Mama Annabelle Feliciano.
"Let's celebrate Mama Anna's life together as we share stories of how she touched lives on a deeper level."
Binawian ng buhay si Anna matapos atakihin sa puso nitong Biyernes ng umaga, October 24, 2025 sa isang ospital sa San Mateo, Rizal, ayon sa mga ulat.
Naulila niya ang kanyang nag-iisang anak na si Rupert, asawa ni April.
Nakalagak ang mga labi ni Anna sa Loyola Memorial Chapel sa Commonwealth Avenue, Quezon City. Magkakaroon ng public viewing para sa namayapang showbiz personality simula ngayong Sabado, October 25 sa Diligence Chapel ng nasabing memorial facility.
Magsasagawa rin ang pamilya ng necrological service para kay Anna mamayang alas siete ng gabi.
Bukod sa pagsasayaw, umarte rin sa telebisyon at pelikula si Anna.





