Anne Curtis, bukas sa posibilidad na gumawa ng proyekto sa GMA

GMA Logo anne curtis as kapuso

Photo Inside Page


Photos

anne curtis as kapuso



Nagbalik-tanaw ang It's Showtime host na si Anne Curtis sa naging pagsisimula ng kaniyang showbiz career kung saan ang lahat ng kaniyang first TV exposures noon ay nangyari sa GMA.

Proud itong ibinahagi ni Anne sa Fast Talk with Boy Abunda nang mapag-usapan ang early days niya sa Kapuso network.

Kuwento ni Anne sa TV host na si Boy Abunda, “My first-ever teleserye was on GMA, my first-ever comedy show was on GMA. Siguro 'yung first-ever dancing experience ko pati singing first singing experience ko dito rin sa GMA.

Dagdag pa niya, “So, maraming mga first. I remember, I think Viva and GMA were working very closely before so nag-T.G.I.S. ako, teleseryes.”

Nang tanungin naman ni Boy si Anne kung bukas ba ito upang muling gumawa ng proyekto para sa GMA, ito ang kaniyang naging sagot, “Oo naman po. I mean, even before It's Showtime was on GTV, I was able to do a film with GMA films.

Paglalahad pa ni Anne, “Because I am under VIVA naman so I am able to collaborate still with GMA.”

Samantala, patuloy naman na mapapanood si Anne sa It's Showtime sa GTV.

Take a peek at Anne's career as a Kapuso in this gallery:


Ikaw Na Sana - 
T.G.I.S.
Beh Bote Nga
Anna Karenina 
Ang Iibigin Ay Ikaw 
Ang Iibigin Ay Ikaw Pa Rin
Guest appearances
SOP
Eat Bulaga!
Ang Panday 2009
In Your Eyes

Around GMA

Around GMA

Commissioner Rossana Fajardo, nagbitiw sa ICI
Weak ash emission on Mt. Kanlaon generates 400-m plumes
Roxie Smith's dreamy photos in Switzerland