Anne Curtis, smarter and wiser at 40

Sa pagtapak ni It's Showtime host Anne Curtis sa edad na 40, marami na umano siyang natutunan sa buhay. At ngayong tutungtong na siya sa edad na 41, isa sa mga realizations niya ay sa kaniyang pagtanda, hindi na siya masyadong nagdiriwang ng kaarawan.
“Well, it's been a while since I've had a big celebration, so I guess that's what happens when you come of age, parang hindi ka na masyado nagse-celebrate. Parang I enjoy having an intimate party with people that I love and care about,” sabi ng aktres sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes.
Ngunit ayon kay Anne, maaaring nasa mood siya magdiwang sa susunod na taon. Pero sa ngayon, “parang I'm not there yet.”
Kahit may isang taon palang siya sa kaniyang 40s, marami na rin umanong naranasan at pagbabago sa buhay ni Anne, na ibinahagi niya sa gallery na ito:









