Anton Vinzon, nagtapos na ng Senior Highschool

Isang bagong milestone ang naabot ni MAKA star Anton Vinzon nang magtapos ito ng senior high school kamakailan.
Nagtapos ng senior high school si Anton sa Saint John Bosco. Sa ilang litrato mula sa Sparkle, makikitang kasama nito ang ama at seasone actor na si Roi Vinzon.
Source: Sparkle
Kabilang na ngayon si Anton sa celebrities na na nagtapos sa pag-aaral ngayong taon, partikular na sa senior high school.
Matatandaan na noong May ay nagtapos na rin ang MAKA co-star niyang si Ashley Sarmiento. Samantalang June naman nang magtapos ang Sparkle star na si Sofia Pablo ng senior high school at with honors pa.
Panoorin si Anton Vinzon sa youth-oriented series na MAKA tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA. Kasama niya sa serye sina Marco Masa, Ashley Sarmiento, Zephanie, Chanty Videla of Lapillus, John Clifford, Elijah Alejo, Shan Vesagas, at iba pa.
TINGNAN ANG IBA PANG CELEBRITY GRADUATES NGAYONG 2025 SA GALLERY NA ITO:













