Fast Talk with Boy Abunda
Anton Vinzon, Rave Victoria, Clifford, Fred Moser, may isang lesson na natutunan sa loob ng PBB house

Hindi maitatanggi na ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 ang isa sa mga pinakakontrobersyal na season ng teleserye ng totoong buhay. Nakilala ang season na ito na maraming violations, pinakamagulo, makalat, at kakaiba.
Sa pagbisista nina Anton Vinzon, Rave Victoria, Clifford, at Fred Moser sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, inamin nilang wala silang ibang puwedeng sisihin kundi lahat silang housemates.
Sabi pa ni Rave, pantay-pantay silang lahat ng housemates na may sala sa mga isyu nila sa loob ng bahay.
Sa paglabas ng apat na dating housemates mula sa Bahay ni Kuya, ibinahagi nila ang mga natutunan nila sa loob sa gallery na ito:









