Idinaos ng Apo Hiking Society ang kanilang concert bilang pagdiriwang ng kanilang 50th anniversary noong July 15 at 16 sa Hyundai Hall, Arete ng Ateneo De Manila University.
Full house ang naging two-night concert ng iconic OPM group at nakatanggap pa sila ng standing ovation. Mayroon ding tribute sina Boboy Garrovillo at Jim Paredes para sa kanilang yumaong kaibigan at kasamahan sa grupo na si Danny Javier.
Sa naging panayam ng GMANetwork.com sa Apo Hiking Society, sinabi ni Jim na mas naging confident at creative ang kanilang grupo ngayong umabot na sila ng limang dekada.
“In all honesty, 50 years is just a number. I think on stage, I feel much more confident with our material now and I think we're even more creative. Confident kasi creative pa rin and you're still trying out new stuff with the audience, and still writing new songs, and everything. Usually kapag ganyan, parang you just bring back old memories. We do bring back old memories, but we create new ones as well. So, gano'n ang feeling," ani Jim.
Para kina Boboy at Jim, walang sikreto sa matagal na pagtakbo ng kanilang career bilang mga mang-aawit dahil, ayon sa kanila, “The music will let you live on.”
Sabi ni Boboy, “There's no secret, the music will let you live on. You'll just try to do the music. If it's good, people will listen to it, you will live on. Longevity is connecting to the people."
Dagdag naman ni Jim, “Parang if you write the music of the soundtrack of their lives, siyempre kasali ka sa buhay nila hanggang tumanda.”
TINGNAN ANG HIGHLIGHTS SA 50TH ANNIVERSARY CONCERT NG APO HIKING SOCIETY SA GALLERY NA ITO.
Bilang selebrasyon ng kanilang 50th anniversary, ginanap ang concert ng Apo Hiking Society noong July 15 at 16 sa Hyundai Hall, Arete ng Ateneo De Manila University. Sa opening ng concert, nakaupo sina Boboy Garrovillo at Jim Paredes sa wheelchairs habang sila'y umaawit ng “Limang Dekada” habang tinutulak sila ng mga “nurse” sa kanilang likod.
Ilang trivia tungkol sa Apo Hiking Society ang ipinakita sa malaking screen habang nagpe-perform sina Boboy at Jim. Isa sa mga fun fact na ito ay ang paggawa ng iconic OPM group ng 300 songs.
Nagkaroon ng outfit change sina Boboy Garrovillo at Jim Paredes, na nagsuot ng black Chinese-collar suits na mayroong embroidered gold baybayin letters na ang ibig sabihin ay limampu o fifty. Ang kanilang outfit ay gawa ng fashion designer na si Eric Pineda.
Inawit nina Boboy Garrovillo at Jim Paredes ang kanilang track na “Blue Jeans.”
Limang dekada man ang nagdaan ay hindi pa rin kumukupas ang angking galing ng Apo Hiking Society sa pag-awit. Hit sa audience ang mga inawit nina Boboy at Jim na “Tagalog Medley” at ang “Pip-T,” na isang medley ng folk songs at kundiman na mayroong halong foreign pop songs.
Tiyak na maraming napasaya sina Boboy Garrovillo at Jim Paredes sa kanilang concert bilang paggunita sa 50th anniversary ng kanilang grupo.
Siguradong napasaya nina Boboy Garrovillo at Jim Paredes ang mga manonood dahil ipinakita rin ng dalawa ang kanilang comedic side habang nagpe-perform.
Nakasama nina Boboy Garrovillo at Jim Paredes ang music ministry na Hangad nang awitin nila ang “Wala Nang Hahanapin Pa.” Kinanta rin ng Hangad ang awitin ng Apo Hiking Society na “Minsan Sa Buhay.”
Isang comedy number ang hatid nina Boboy Garrovillo at Jim Paredes kasama ang Hangad dahil pinerform nila ang “Salawikain” in operatic style.
Isa sa mga highlight ng concert ay ang tribute nina Boboy Garrovillo at Jim Paredes sa kanilang yumaong kaibigan at kasamahan sa Apo Hiking Society na si Danny Javier. Inawit ng dalawang OPM icons ang kanilang hit songs na “Awit ng Barkada” at “Tuyo ng Damdamin.”
Nagkaroon ng surprise guest appearance ang anak ni Danny Javier na si Jobim Javier sa concert. Inawit nina Jobim, Boboy, at Jim ang kanta ng Apo Hiking Society classic song nilang “Batang-Bata Ka Pa.”
Hindi naman napigilan na maging emosyonal nina Boboy Garovillo at Jim Paredes kasama si Jobim Javier habang sila ay nagpe-perform.
Isa rin sa highlights ng Apo Hiking Society concert ay ang pagpapakita ng video ni Danny Javier, kung saan inawit niya ang kanyang huling composition na “Lahat Tayo” habang nag-back-up vocals sina Boboy Garrovillo at Jim Paredes at may back-up na live band.
Nakasama rin nina Boboy Garrovillo at Jim Paredes ang Malaya Dancers sa kanilang performance.
Inawit nina Boboy Garrovillo at Jim Paredes ang kanilang kanta na “Kung Gusto Mo, Gusto Ko Pa,” at punong-puno ng saya, kantahan, at sayawan ang naganap.
Bukod sa Hangad at Malaya Dancers, nakasama rin ng Apo Hiking Society ang Company of Ateneo Dancers, o CADS, sa kanilang performance.
Parehong full house ang two-night concert ng Apo Hiking Society at nakatanggap pa sila ng standing ovation.