Arabelle Dela Cruz, Jong Madaliday, Juary Sabith, at Liafer Deloso, Final 4 ng The Clash 2025

Matapos ang 13 linggo, dumating na sa pinaka-exciting na part ang pinag-uusapang all-original Filipino singing competition na The Clash 2025.
Nakilala na kung sino-sino ang maglalaban-laban sa grand finals sa Linggo, September 7, matapos ang The Clash concert medley.
Isa kina Arabelle Dela Cruz, Jong Madaliday, Juary Sabith, at Liafer Deloso ang tatanghaling susunod na The Clash champ.
Sina Arabelle at Jong ay Clashbackers o past contestants na nagbalik para subukan muli ang kanilang swerte sa kompetisyon. Mula season five si Arabelle, samantalang mula season one naman si Jong. Parehong first-runner sina Arabelle at Jong sa sinalihan nilang season.
Samantala, bagong Clashers naman sina Juary at Liafer.
Alamin ang paghahanda ng Final 4 para sa nalalapit na grand finals ng The Clash 2025 sa gallery na ito.









