Are Cristine Reyes and Gio Tingson dating?

Mainit na usap-usapan sa social media sina Cristine Reyes at dating National Youth Commission chairman Gio Tingson matapos silang nakitang sa isang bakasyon at ilan pang mga litrato.
Sa Instagram, nag-post si Gio ng mga larawan kasama ang aktres habang nagbabakasyon at namamasyal sa Hanoi, Vietnam.
Sa ilang larawang post ni Gio, makikita ang mga solo pictures ni Cristine, ilang selfies nila ng aktres, at mga kuhang kasama sila sa isang grupo.
Sa Facebook, makikita ang isang post na group photo ng kamag-anak ni Gio na si Raffy Magno na nasa isang restaurant kasama sina Cristine at Gio at dalawa pang kamag-anak.
"With the newest addition to our small family. Ako na lang ang walang jowa, jusko," sabi nito sa caption.
Mas lalong pinagusapan ng netizens ang larawan at ang caption na tila kumpirmasyon sa relasyon nina Cristine at Gio.
Noong April, usap-usapan na naghiwalay na si Cristine at ang aktor na si Marco Gumabao (). Hanggang ngayon, wala pa silang pormal na kumpirmasyon tungkol dito. Ngunit, suportado ng netizens ang pag-move on umano agad ni Cristine kay Marco.
Si Gio na nga ba ang bagong pag-ibig ni Cristine?
Samantala, narito ang ilang celebrity couples na piniling itago muna ang kanilang relasyon:
















