Ariel Rivera, emosyonal na binalikan ang huling sandali nila ng kanyang ama

Sa pagbisita ni Ariel Rivera sa 'Fast Talk with Boy Abunda' ngayong June 16, emosyonal niyang ibinahagi ang mga huling sandali kapiling ang kaniyang amang si Ben Rivera.
Bukod dito, binalikan din ni Ariel ang pagsisimula ng kaniyang career kasama ang kaniyang manager noon na si Boy Abunda; pati na rin ang kaniyang buhay ngayon bilang artista, asawa ni Gelli De Belen, at ama sa mga anak na sina Joaquin and Julio Rivera.






