Ariel Rivera, inaming ayaw matawag bilang 'Kilabot ng mga kolehiyala'

Inamin ng aktor at singer na si Ariel Rivera sa TV host na si Boy Abunda na ayaw niyang tawagin bilang “Kilabot ng mga Kolehiyala,” na matagal nang naging bansag sa kaniya.
Sa panayam ni Ariel sa Fast Talk with Boy Abunda, binalikan ni Boy ang naging prime season ng aktor noon kung saan binansagan nga siya bilang “Kilabot ng mga Kolehiyala.”
“Tama ba 'yung pagkaalala ko na ayaw mong [tawaging] 'Kilabot ng mga Kolehiyala,' you didn't like that, tama?'” tanong ni Boy kay Ariel.
Agad naman na natawa si Ariel dito at sumagot,“I did not.”
Kuwento ni Ariel, may pagkakataon noon sa isang event na binalaan niya ang partner ni Boy na si Bong Quintana na huwag siyang ipakilala kasunod ng nasabing “monicker” dahil hindi siya lalabas at magpapakita sa tao.
Aniya, “There was a few times Bong [Quintana] was always be backstage, so sasabihin nila, 'Introduce Ariel, please welcome, 'Kilabot ng mga Kolehiyala…' and then I told Bong, 'Bong, if your introduce me as that hindi ako lalabas sa stage.'”
Ayon kay Ariel, ayaw niya sa bansag na iyon dahil ayaw niyang magmukhang mayabang at talagang malayo ito sa kaniyang pagkatao.
“It's so presumptuous of me to feel na all these kolehiyalas love me. It is so presumptuous of anybody to feel that way and it's just not me,” ani Ariel.
Dagdag pa niya, “Looking back nga I didn't know that Hajji [Alejandro] was the original kilabot, wala naman akong alam sa history ng OPM during that time. How can you take somebody's title when there's somebody who has that title?”
Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
SAMANTALA, SILIPIN ANG MGA LARAWAN NI ARIEL RIVERA AT KUNG BAKIT SIYA BINANSAGANG “KILABOT NG MGA KOLEHIYALA” SA GALLERY NA ITO:







