advertisement
Showbiz News

Arthur Nery, sinubukang maging bahagi ng P-pop group

1 of 6

Nonchalant

Ilan sa fans ni Arthur Nery ay inilalarawan siya bilang “nonchalant.” Pero hindi raw proud si Arthur sa katangian niyang ito. Pag-amin niya, “Mahina po talaga ang social skills ko… Pero gusto ko po talaga makipag-usap nang matagal.”

2 of 6

Home buddy

Kung walang gigs o lakad, mas gugustuhin ni Arthur Nery ang manatili lang sa bahay. “Hindi rin naman talaga ako lumalabas, mailap talaga ako. More on music lang talaga ako. Paggising ko, gagawa ako ng music, kain, DOTA, 'tapos gawa ulit ng kanta. Yun po ang lifestyle ko.”

3 of 6

P-pop star?

Inamin ni Arthur na minsan niyang sinubukang sumali sa isang boy band. Pero aniya, “Wala po talaga akong confidence, e.”

advertisement
4 of 6

On popularity

Sa kabila ng kanyang kasikatan, sabi ni Arthur Nery, “I'm just a kid who's always dreaming to be a good performer

5 of 6

II: The Second

Aminado si Arthur Nery na kinikilig siya kapag nagba-viral ang kanyang mga kanta. Kaya naman sa kanyang ikalawang music album, ang II: The second, hiling niya, “Pwede po lahat [ng kanta mag-viral] para kiligin ako araw-araw. To be honest, paborito ko po ang lahat ng inilagay ko rito kaya nag-filter down at pinili lang namin ang gusto kong ilabas."

6 of 6

Concert at the Big Dome

Hindi rin makapaniwala si Arthur Nery na matapos ang dalawang taon nang magkaroon siya ng concert sa New Frontier Theater, isang major concert ang kanyang gagawin sa Araneta Coliseum. Unang reaksiyon daw niya, “Honest to God, ang sabi ko po talaga, 'Sure po ba kayo?' Kasi po, ako po, I will never be prepared for an Araneta concert, like ever. So, tinanong ko po yung family ko, yung Viva, yung team, 'Sigurado po ba kayo na ito na yung oras?' Sobrang overwhelming lang siya.”

advertisement

Around GMA