Bukod sa pagiging magagaling at sikat na basketball players, huwaran din bilang mga ama sina Arwind Santos at Paul Artadi. Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, ibinahagi nila na importante na pinagkakatiwalaan sila ng kanilang mga anak.
LINK:
Pagbabahagi ni Arwind, meron siyang limang anak na babae, at isang anak na lalaki. Samantalang si Paul, may tatlong anak na lalaki. At kung tatanungin umano sila, hindi naman sila strikto sa kanilang mga anak.
Paano nga ba bilang mga ama sina Arwind at Paul? Alamin sa gallery na ito:
Maituturing nina Arwind Santos at Paul Artadi ang mga sarili bilang mabubuting mga ama. Sa katunayan, nakikipagbiruan sila sa kanilang mga anak, habang napapanatili ang respeto sa kanila.
Ngunit pagdating sa pagiging stirkto, may kaunting pagkakaiba silang dalawa.
Pagbabahagi ni Paul Artadi, "I'm not strict, para akong barkada nila, e. Nabibiro nila ako, nakakalaro nila ako, so ang ganda bonding namin."
Ganu'n din naman umano si Arwind Santos sa kaniyang mga anak, nakikipaglaro at nakikipag-bonding. Ngunit pag-amin niya, "Strikto ako sa ibang bagay, lalo na sa mga gadgets ngayon, tapos sa pagtulog."
Bilang mga ama, may ilang leksyon din sina Arwind Santos at Paul Artadi para sa kanilang mga anak na gusto nilang malaman at isapuso ng mga ito.
Sa larangan ng sports, ang leksyon na itinuturo at nalaman ni Paul Artadi sa kaniyang mga anak ay huwag silang pipilitin kung ayaw nila. "Kasi, i-expect n'yo magba-basketball itong tatlo, 'di ba? Ako, I don't force them. 'Pag nakita ko 'yung bata na walang hilig, I don't force them," sabi ni Paul.
Ani Paul Artadi, kung hindi naman gusto ng bata ang kaniyang ginagawa, wala rin mangyayari kaya mas mabuting hindi na sila pilitin gawin ang isang bagay.
Nag-iwan din ng paalala si Paul Artadi sa kaniyang mga anak tungkol sa pag-ibig. Sabi ng basketball player, "Sinasabi ko na ngayon pa lang, alam mo naman ang mundo ngayon, Tito Boy, kailangan i-ano mo sila sa bible, na i-save nila 'yung first kiss nila, 'yung pagkasal na sila."
Nagpapaalala naman si Arwind Santos sa kaniyang mga anak tungkol sa paggamit ng gadgets. Dahil madalas umanong nakatutok dito, maging ang pagtulog ng mga anak ay naaapektuhan.
Kaya naman, laging paalala ni Arwind Santos sa mga anak, matulog nang maaga dahil kailangan nila ito.