Asawa Ng Asawa Ko: Ang madugong kasal nina Jordan at Shaira

Ang masaya sanang araw nina Jordan (Rayver Cruz) at Shaira (Liezel Lopez) ay napalitan ng lungkot dahil binaril ni Alakdan (Luis Hontiveros) si Jeff (Martin Del Rosario).
Nakumbinsi ni Jeff si Alakdan na samahan siya sa bangko para mag-withdraw ng pera pangbayad sa kanila. Nang makarating sila sa bangko ay tumakas si Jeff para pumunta sa kasal ng kapatid niyang si Jordan kay Shaira.
Sa kasal, nasabi ni Jeff ang totoo na hindi anak ni Jordan si Junior, ang anak ni Shaira, dahil siya ang tunay na ama nito.
Bago pa masabi ni Jeff ang totoo na si Shaira ang mastermind ng mga kumidnap sa kanya, tuluyan na siyang binaril ni Alakdan para matahimik.
Balikan ang madugong kasal nina Jordan at Shaira sa mga larawang ito.










