'Asawa Ng Asawa Ko': Ang pagtatapos ng kuwento nina Cristy, Jordan, at Shaira

Sa finale episode 'Asawa Ng Asawa Ko,' natapos na ang kasamaan ni Shaira (Liezel Lopez) nang masunog ang kuwarto sa ospital kung saan siya nagpapagaling.
Naging magkaibigan na rin nang tunay sina Cristy (Jasmine Curtis-Smith) at Hannah (Kylie Padilla) matapos ang kanilang pinagdaanan.
Nagkabati na rin sina Jordan (Rayver Cruz) at Leon (Joem Bascon) dahil napagtanto ni Leon na si Jordan talaga ang mahal ni Cristy.
Ngayong patay na si Shaira, ano na kaya ang mangyayari sa pag-iibigan nina Cristy at Jordan? Magkakabalikan kaya sina Leon at Hannah?
Narito ang pasilip sa inaabangang huling episode ng 'Asawa Ng Asawa Ko' na mapapanood na mamayang 9:35 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream.







