'Asawa ng Asawa Ko' stars, nakisaya sa naganap na Lipa City Fiesta

Dumalo at naki-fiesta ang cast ng hit romance drama series na Asawa ng Asawa Ko sa naganap na Lipa City Fiesta sa Batangas. Kasama sa Kapuso Fiesta sina Jasmine Curtis-Smith, Liezel Lopez, Martin Del Rosario, at Kim De Leon.
Ang Lipa City Fiesta ay ginaganap para ipagdiwang ang patron saint nilang si Saint Sebastian. Ito ay isa sa apat na fiesta na ipinagdiriwang ng Lipa City, kabilang na ang Lomi Festival sa September, Coffee Festival sa December, at Walistik Festival sa January.
Tingnan kung paano pinasaya nina Jasmine, Liezel, Martin, at Kim ang mga Lipeños sa gallery na ito:











