Sa isang nakatutuwang video clip, ipinasilip ng soon-to-be-mom na si Kris Bernal ang resulta ng "A day in the life of a pregnant man" challenge na ginawa nila ng kanyang asawa na si Perry Choi.
Sulat ni Kris sa kanyang caption: "Some husbands think it's easy peasy, but every action truly requires a lot of effort! And, this was not quite accurate because watermelon should be bigger in size! 🍉 #JustForFun"
Samantala, sa hiwalay na post, nagkuwento naman ang aktres kung gaano siya kaswerte sa pagmamahal na ibinibigay ng asawang si Perry.
Aniya, "I've always felt so lucky to be loved by you, and I've never felt more than blessed than I do now to be starting a family with you and our #LittleSunshine 🌻👨👩👧 We've gone through so many stages together as a couple, and our lives have been full of love and magical adventures, that it seems impossible to think that the best is yet to come! 👶🏻
Sa huli nagpasalamat si Kris sa asawa lalo pa sa kanilang pinagdaanan habang ipinagbubuntis and kanilang unang supling.
"Thank you for taking care of me throughout this pregnancy with so much grace and patience! Great husband, great dad! So excited to raise a mini you!!"
Si Kris ay nasa huling trimester na ng pagbubuntis. Matatandaan na noong March 3 sabay na inanunsiyo ng mag-asawa na buntis na si Kris. September 25, 20221 naman ng magpakasal ang dalawa.
Silipin ang pregnancy journey ng first time mom na si Kris Bernal sa gallery na ito:
Ipinagbubuntis ni Kris Bernal ang kanilang unang anak ni Perry Choi.
Ibinahagi ni Kris ang exciting na balita sa publiko noong March 3. Sila ni Perry ay naghanda ng isang movie-themed photo shoot para i-announce na magkakaroon na sila ng anak.
Ayon kay Kris, hindi inaasahan ang kanyang pagbubuntis. Saad niya sa kanyang post, "It happened - we weren't really “trying” but we were blessed with [a] pregnancy! I can still remember I felt a rush of different emotions when the test showed two lines."
Bago pa ito makumpirma ni Kris ay inilahad niyang nararamdaman niya na ang posibilidad na siya ay buntis.
"I already had suspicion weeks prior to finding out the good news but I was able to confirm it when something happened."
Dahil bago ang pagbubuntis kay Kris, inilahad niya ang mga nararamdaman niya sa kanyang social media posts. Ani Kris, "I can go from being happy one minute to feeling like crying the next. I'm at my most sensitive, I can actually become a great actor."
Sa kanyang second trimester, inamin ni Kris na hindi pa rin siya nakakalagpas sa stage ng morning sickness.
"I'm in my second trimester, but I still experience nausea all day, every day."
Kilala si Kris sa pagiging dedicated sa kanyang fitness routine. Nabago ito ngayong buntis na siya.
Kuwento ni Kris, "If you've been following me for a while, you know that I am a beast at the gym accustomed to heavy lifting and intense workouts. I'm so surprised with my low stamina and my overall lack of energy. Body weight seems to have doubled and I could only manage a few repetitions. Nakakapanibago, parang hindi ako 'to. Lolsss!"
Busy man sa pag-aasikaso si Kris sa kanyang new life bilang mommy, hindi pa rin siya nagpapahuli sa pagpapakita ng kanyang cute outfits.
Sa vlogs ni Kris, idinidetalye niya ang mga pinagdadaanan niya sa kanyang pagbubuntis.
Saksi ang subscribers ni Kris sa bawat checkup at ultrasound sa kanyang pagbubuntis.
Bukod sa hospital visits, ipinapakita rin ni Kris ang kanyang activities as a pregnant mom.
Kitang kita ang glow at saya ni Kris sa new chapter ng kanyang buhay.
Kahit buntis na si Kris ay uma-attend pa rin siya ng events at TV guestings.
Ayon kay Kris, sa April 16 ay ibabahagi na ang gender ng anak nila ni Perry sa kanyang vlog.