Fast Talk with Boy Abunda

Asawa ni Nikko Natividad na si Cielo Eusebio, nagsalita na tungkol leaked video: 'Spare me and my family'

GMA Logo Nikko Natividad Zeus Collins
Photo source: Cielo Mae Bautista Eusebio Facebook page

Photo Inside Page


Photos

Nikko Natividad Zeus Collins



Nagsalita na ang asawa ni Nikko Natividad na si Cielo Eusebio tungkol sa kumakalat na videos, kung saan sangkot ang una at iba pang mga artista tulad ni Gil Cuerva, Arron Villaflor, at Ron Angeles.

Nagsulat ng mahabang paliwanag sa kanyang Facebook si Cielo kung saan sinabi niya na masakit ang nangyari sa kanilang dalawa, pero desisyon niya na manatiling kasal kay Nikko. Ayon sa kanya, inaako ni Nikko ang kanyang responsibilidad sa nangyari.

“Trust is hard to rebuild. Alam na alam ko na yan. It will take time, consistency, and real change. My husband will take responsibility for what he did, and while he does that, ang focus ko ang sarili ko ang pagheheal ng puso't isipan ko,” saad niya sa kanyang Facebook post.

Ayon sa kanya, alam ng mga nakakakilala sa kanila kung paano nila ipinaglaban at pinoprotektahan ang isa't isa at ang kanilang pamilya, at ang mga sakripisyo na pinagdaanan nila.

“What people see online is just a small part of our life. Hindi nila nakikita yung mga sacrifices, yung care, yung pagmamahalan namin behind closed doors. Those who really know us know our heart,” saad niya.

Nanawagan si Cielo sa publiko na tantanan siya at ang kanyang pamilya, at nanatili siya sa tabi ni Nikko kahit na may mga pagkukulang ito sa kanya.

“Spare me and my family. PLEASE Stop being harsh. I stand with my husband despite his mistakes. I am his wife. And I am the only one who can decide for our family not the opinions, not the noise, not the judgment,” saad niya.

Isa lamang si Cielo sa mga nagsalita tungkol sa intimate video scandal na ito.

Nitong Huwebes, March 5, naglabas ng statement si Gil Cuerva kung saan inamin niya na siya ang lalaki sa intimate video. Sinabi rin niya na ang naturang pahayag ang una at huling pagkakataong magsasalita tungkol sa isyu.

Idiniin din niya na walang pahintulot mula sa kanya ang pagpapakalat ng intimate video.

“The video being shared online was recorded without my knowledge or consent during a private moment. The use of a hidden camera and the distribution of that recording are serious violations of my privacy and constitute a crime,” saad niya.

Basahin ang kanyang buong statement sa baba.

Samantala, balikan ang buhay ni Nikko bago maging miyembro ng Hashtags dito:


Opposites
Iba't ibang trabaho
Abroad
Florist
Mindset
Dancer at heart
Contests
Laking kalye
Macho dancer
Mananayaw
Hashtags

Around GMA

Around GMA

Strait of Hormuz listed as 'high-risk area' for Filipino seafarers — DMW
Fajardo, Ando lead honorees in 40th Cebu Sports Awards