advertisement
TV

Asawa ni Nikko Natividad na si Cielo Eusebio, nagsalita na tungkol leaked video: 'Spare me and my family'

1 of 11

Opposites

Magkaibang-magkaiba ang pinanggalingan nina Nikko at Zeus bago sila nakapasok sa Hashtags. Si Nikko, maraming klaseng trabaho ang pinasok, samantalang si Zeus, pagsasayaw lang ang naging buhay.

2 of 11

Iba't ibang trabaho

Kuwento ni Nikko, dumaan siya sa iba't ibang trabaho bago siya naging parte ng Hashtags. Sa katunayan, naging waiter, wedding coordinator, at salon assistant pa siya noon.

3 of 11

Abroad

Matapos maging assistant sa salon, nag-apply si Nikko bilang isang florist sa United Arab Emirates o UAE.

advertisement
4 of 11

Florist

Kuwento ni Nikko, wala naman talaga siyang alam sa pagiging isang florist, "Dinaya ko po talaga, sabi, 'O, kailangan daw sa flowershop, marunong mag-ayos.' Sinabi ko marunong ako kahit hindi."

5 of 11

Mindset

Ani Nikko, ang mindset lang niya noon ay gaganda ang buhay niya kapag nakapag-abroad siya.

6 of 11

Dancer at heart

Samantala, si Zeus, bata pa lang ay mananayaw na talaga. Aniya, anim na taong gulang pa lang siya ay tinuruan na siya ng kanyang nanay na sumayaw.

advertisement
7 of 11

Contests

Isinali rin siya umano ng kanyang nanay sa iba't ibang patimpalak ng pagsasayaw, at sinabing kung saan-saan na rin siya nakarating dahil dito.

8 of 11

Laking kalye

Bukod sa contests, mahilig din mag sayaw noon si Zeus sa kalye, at sinabing doon siya lumaki at natutong magsayaw. Kaya naman, 15-taong-gulang pa lang ay nagsimula na rin niyang gamitin ang talentong ito para kumita.

9 of 11

Macho dancer

Pag-amin pa ni Zeus, minsan na rin siyang inalok na maging macho dancer. Ngunit saad niya, hindi niya tinanggap ang alok, at sinabing hindi niya kakayanin gawin iyon.

advertisement
10 of 11

Mananayaw

Sa halip, mas pinili ni Zeus na maniwala sa kakayahan niya bilang isang mananayaw at piniling sumali sa mga kompetisyon at, kung papalarin, maging back-up dancer ng mga artista.

11 of 11

Hashtags

Kalaunan ay inalok si Zeus na maging miyembro ng binubuo pa lang noon na boy group, habang pinag-audition naman si Nikko para maging parte ng Hashtags.

Around GMA