AshCo, astig ang roles sa 'MAKA LOVESTREAM's 'Ride to Forever'; may pasilip sa taping

Maghanda na sa level up na kilig at astig na tambalan nina Ashley Sarmiento at Marco Masa o AshCo para sa ikalawang yugto ng MAKA LOVESTREAM na "Ride to Forever."
Ngayong October, ang AshCo naman ang bibida! Makikilala si Ashley bilang Aya, maangas na babaeng mekaniko sa isang motorshop na walang pakialam sa love life.
Pero masusubok ito sa pagdating ni Rusty, na gagampanan naman ni Marco, arogante at playful pero binabagabag ng takot at konsensya matapos na ma-comatose ang kanyang girlfriend dahil sa isang aksidente.
Makaka-love triangle nina Ashley at Marco sa "Ride to Forever" ang MAKA LOVESTREAM co-star na si John Clifford na makikilala naman bilang Yago, ang mabait at masunuring kapatid ni Rusty na magkakagusto rin kay Aya.
Tingnan ang behind-the-scenes nina Ashley, Marco, at JC para sa "Ride to Forever" sa gallery na ito:





