Ashley Ortega, Pinky Amador, paano hinaharap ang fears sa kabila ng success sa career at buhay?

Matapos ang sunod-sunod na success ni Pinky Amador sa kaniyang roles, at sa tuloy-tuloy na karera nila ng aktres na si Ashley Ortega, tinanong ni King of Talk Boy Abunda kung ano ang estado ng kanilang mga pag-iisip o state of mind ngayon.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, March 24, ibinahagi ni Pinky na ini-enjoy lang niya ang bawat moment ng buhay niya ngayon, lalo na at katatapos lang ng kaniyang kaarawan.
Pag-amin ng aktres, “That's very hard to do. Enjoying the moment, sometimes I still get stressed about the things I can't control.”
Aminado naman si Ashley na natatakot siya ngayon dahil sa edad na 27, hindi siya sigurado kung nasa young adult stage pa ba siya o iba na.
“Actually I get scared kasi parang sabi nila when you reach 30, it's a different chapter in your life and me kasi, as 27, I wanna achieve a lot of things before I turn 30,” sabi ni Ashley.
Alamin ang buong kuwento nina Pinky at Ashley sa gallery na ito:









