Spotted ang ilang celebrities sa prusisyon ng Flores de Mayo, isang month-long festival ng mga Katoliko tuwing Mayo bilang pagpupugay sa Birheng Maria.
Tulad na lamang ng Kapuso stars na sina Ashley Ortega at Shuvee Etrata na kapwa naging reyna sa Bulacan. Tingnan sa gallery na ito.
Rumampa ang Apoy sa Dugo star na si Ashley Ortega bilang Reyna Elena sa Brgy. Tabing Bakod, Sta. Maria, Bulacan.
Kitang-kita ang ganda ni Ashley Ortega sa kanyang white gown na likha ni Jeff Dela Cruz.
Dumalo naman ang The Master Cutter star na si Shuvee Etrata bilang Reyna de las Flores sa naganap na Santacruzan sa Brgy. Caypombo sa Sta. Maria, Bulacan.
"Maraming salamat, Sta. Maria, Bulacan," sulat ni Shuvee Etrata.
Rumampa rin si Shuvee Etrata bilang Mayflower Queen sa Flores de Mayo sa Makati 2026.
Spotted ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab 2.0 Kapamiya big winner na si Lella Ford sa prusisyon ng Flores De Mayo sa Manila.
"So honored to be part of Flores de Mayo sagala. Grateful to the City of Manila," sulat ni Lella Ford sa kanyang post sa Instagram.
Dumalo si Inah de Belen bilang Reyna ng Kapayapaan ng Flores de Maria 2026 ng Brgy. Maysantol, Bulacan.
Nakasama ni Inah de Belen ang boyfriend na si Jake Vargas sa Flores de Maria 2026.