Ashley Ortega talks about her relationship with Mavy Legaspi in 'Fast Talk with Boy Abunda'

Inamin na ni Ashley Ortega na boyfriend na niya si Mavy Legaspi sa kanyang pagbisita sa Fast Talk with Boy Abunda noong Lunes, February 10.
Kuwento ni Ashley, nagsimula silang madalas na mag-hangout ni Mavy noong nakaraang taon, kung saan dito niya mas nakilala ang aktor.
"I think it started... there was this one night kasama ang friends namin, doon ko siya nakilala, and nagtuloy-tuloy na. And then, he asked me if we could have lunch or dinner together just to get to know more about each other, tapos nagtuloy-tuloy na," masayang sabi ng aktres.
Basahin ang ilan pa sa napagkuwentuhan nina Ashley Ortega at Boy Abunda tungkol sa kanyang relasyon sa gallery na ito:







