Ashley Rivera, 'di malimutan ang "weirdest thing" na ginawa ng kaniyang dating manliligaw

Dream come true moment para sa Sparkle comedienne at TikTok star na si Ashley Rivera na mainterview ng the one and only King of Talk na si Boy Abunda.
Kasalukuyang napapanood si Ashley o Petra Mahalimuyak online sa hit comedy show na 'Happy ToGetHer' na pinagbibidahan ng multi-awarded actor na si John Lloyd Cruz.
At parte rin siya ng all-star cast ng upcoming afternoon series na 'The Seed of Love' kung saan makakasama niya ang ilan sa top actors ng GMANetwork tulad nina Glaiza De Castro at Mike Tan.
Tara at balikan ang ilan sa rebelasyon ni Ashley sa guesting niya sa 'Fast Talk With Boy Abunda (FTWBA)' ngayong Martes ng hapon, May 2.










