Ashley Rivera, naluha sa hirap na pinagdaanan ng ina na may lung cancer

Nakadudurog ng puso ang exclusive interview ng award-winning documentarist na si Kara David sa actress-host na si Ashley Rivera para sa podcast na I-Listen.
Nakakapanibago na makita ang mahusay na komedyanteng umiiyak habang ikinukuwento ang pagsubok na hinaharap ng kaniyang ina, na na-diagnose na may stage 4 lung cancer.
Unang kinumpirma ng dating 'Bubble Gang' star na may malubhang sakit ang kaniyang ina sa isang Instagram video noong Abril, kung saan sinusubukan niya itong patawanin habang nasa ospital.
Inilarawan ni Ashley ang kanilang sitwasyon na parang isang roller coaster dahil sa matinding sakit na pinagdaraanan ng kaniyang ina.
“And then now, almost three weeks na kami na nasa hospital—highs and lows talaga. Iniisip ko, 'Oh my God, hanggang kailan na lang ba ito?'” tanong ni Ashley.
Pagpapatuloy niya, “Or mawawalan ka ng hope, kasi ang payat na niya. 'Tapos, hirap na hirap na siya. Alam ko na hindi ko dapat ipinapakita na umiiyak ako, kasi siya mismo, nawawalan ng pag-asa kapag nakikita niya kaming lahat na malungkot, 'di ba?”
Aminado naman ang podcast host na mahirap magpakatatag dahil nakikita niyang nahihirapan ang kaniyang ina.
“I tried my best to smile and to make her laugh. So, eto naman, umiiyak ako sa hospital, tapos pag titingin siya sa akin, sasabihin ko, 'Acting lang!'”
“Ang hirap na hindi ipakita na nahihirapan ako, na nalulungkot, na nasasaktan ako. It's so hard seeing my mom, my best friend, going through all that. I feel so helpless, but every single day, it's a blessing and a miracle na nandito pa rin siya.”
Balikan ang buong panayam ni Ashley Rivera sa I-Listen dito:
RELATED CONTENT: Inspiring celebrity cancer survivors
























