Aspiring artista, masusubukan ang acting sa 'Regal Studio Presents: The Fake Heredera.'

Isang funny pero touching story ang mapapanood sa bagong episode ng weekly anthology series na Regal Studio Presents.
Biling breadwinner ng pamilya, papasukin ni Macy (Shuvee Etrata) ang pag-aartista.
Masipag siyang pumunta sa mga auditions kahit madalas siyang bigo sa mga ito.
Makakatanggap naman siya ng hindi inaasahang acting assignment kapalit ang malaking halaga.
Kailangan lang niyang magkunwari bilang nawawalang apo ng isang mayamang lola na may dementia.
Magagawa ba ni Macy na magpanggap bilang mayamang tagapagmana? Ano ang mangyayari kung bumalik ang tunay na heredera?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "The Fake Heredera," June 7, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:






