At the media conference ng 'Lolong: Bayani ng Bayan'

Bumisita ang cast ng upcoming action-adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan sa isang mall sa Quezon City para sagutin ang ilang tanong tungkol sa kanilang serye.
Sa pangunguna ng bida nitong si primetime action hero Ruru Madrid, ibinahagi nila ang mga dapat abangan sa pagbabalik ng serye para sa ikalawang season nito.
"Mas malaki talaga siya in a way, at the same time mas malaki 'yung cast. Before, parang nasa 12, 14 lang yata 'yung main cast. Pero ngayon, parang I guess umabot na kami ng 50 plus, bahagi ni Ruru.
Umaasa siyang magiging mainit din ang pagtanggap ng mga manonood sa serye, tulad ng pagtangkilik nila sa unang season ng Lolong.
"Uunahin natin 'yung sariling atin and 'yun 'yung gusto kong maibahagi sa kabataan ngayon, na meron tayong ganito at pwede nating ipagmalaki," aniya.
Abangan ang dambuhalang pagbabalik ng number one adventure serye sa Philippine primetime at 2022's most watched TV show sa pangalawang season nitong Lolong: Bayani ng Bayan, January 20 sa GMA Prime.
Silipin ang media conference ng Lolong: Bayani ng Bayan dito:






















