Health and Wellness

Ate Gay, patuloy ang paggaling matapos maipagamot ang bukol sa leeg: 'May himala'

GMA Logo Ate Gay health update
Source: KMJS/GMA Public Affairs YT channel & gil.aducal.morales (FB)

Photo Inside Page


Photos

Ate Gay health update



Isang himala na maituturing ng komedyanteng si Gil Aducal Morales, o mas kilala bilang Ate Gay, ang mabilis na pagbuti ng kanyang kalusugan matapos sumailalim sa radiation therapy para sa kanyang parotid tumor o bukol sa leeg sanhi ng nasopharyngeal carcinoma.

Dumagsa ang tulong para sa pagpapagamot ni Ate Gay matapos niyang ibahagi na mayroon siyang stage four cancer sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) noong Setyembre.

At makalipas lang ang isang buwan, unti-unti nang umimpis ang bukol sa kanyang leeg.

Kinamusta ng multi-awarded journalist na si Jessica Soho ang lagay ni Ate Gay, na ibinahagi kung paanong isa siyang patotoo na may himala.

Ani ng komedyante, “Noong September, na-diagnose ako ng cancer. Stage 4 daw. Ang sabi, hindi na daw ako aabutin ng 2026. Hindi na rin daw ako puwedeng operahan. Noon, isang kilo 'yung bukol ko sa leeg. Ngayon, flat na siya!"

Ayon sa sikat na impersonator ni Superstar Nora Aunor, hindi niya akalaing magiging mabilis ang progress ng kanyang pagpapagaling.

"May himala kasi wala na 'yung bukol. Nagugulat din 'yung mga nagre-radiation, bakit ang bilis. Wala na ring bleeding at naigagalaw ko na 'yung leeg ko. Radiation lang po. May hope na sinasabi sa akin na, 'Gagaling ka.'"

Abot-abot naman ang pasasalamat ni Ate Gay sa mga tumulong para sa kanyang pagpapagamot. "Magaling si Lord. Binibigay sa'yo yung mga handang tumulong. Maraming salamat po sa inyo!"

Ipinost naman ni Ate Gay ang kanilang mga larawan ni Ma'am Jess na kuha mula sa kanilang sit down interview para sa KMJS. Dito ay makikita na nagbalik na ang sigla ng komedyante at nakakatawa nang muli.

"Isang karangalan ang makapanayam ng isang Jessica Soho," sulat ni Ate Gay sa caption.

Mapapanood ang Kapuso Mo, Jessica Soho tuwing Linggo, 8:15 p.m. sa GMA.

RELATED CONTENT: Inspiring celebrity cancer survivors


Wil Dasovich
Cancer-free Wil
Tetay
Cancer-free Tetay
Maritoni Fernandez
Glenda Garcia
Cancer-free Glenda
Jackie Forster
Caleigh Simone
Bibeth Orteza
Kara Magsanoc-Alikpala
Melissa de Leon
Gary Valenciano
Daiana Menezes
Daiana cancer
Selina's sickness
Selina is cancer-free
LA Tenorio
LA now cancer-freeĀ 
Vicki Belo
Treatment
Scarlet
Changes
Belo
Kind

Around GMA

Around GMA

19 areas under Signal No. 1 as Wilma approaches Samar Island
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ