Health and Wellness

Ate Gay reveals battling stage four cancer

GMA Logo Ate Gay
PHOTO COURTESY: ategay08 (Instagram), Kapuso Mo, Jessica Soho (Facebook)

Photo Inside Page


Photos

Ate Gay



Isang matinding health struggle ang kinakaharap ngayon ng batikang komedyante na si Ate Gay.

Sa Facebook post ng Kapuso Mo, Jessica Soho, inilahad ni Ate Gay na na-diagnose siya ng stage four cancer. Ayon pa sa post, ibinahagi na tumigil muna si Ate Gay sa pagpapatawa habang nananalangin ng himala sa kinakaharap niyang sakit.

“Parang beke lang siya noon. Hindi pantay ang mukha ko. Sabi ng mga kasama ko sa work, 'Hindi pantay ang mukha mo, pa-check mo 'yan,'” kuwento ni Ate Gay.

Ayon sa komedyante, sumailalim siya sa ultrasound at CT Scan. Matapos sa CT scan ay sumailalim siya sa biopsy, kung saan ang lumabas na initial findings ay benign ngunit nagpa-second opinion pa ito.

Aniya, “May show ako sa Canada, medyo lumalaki na siya. At saka nagbi-bleed nang nagbi-bleed. Mahirap ngayon ang lagay ko. May kanser ako, stage 4 daw.

“Magtatagal ba ang buhay ko? Ang sabi, hindi na daw ako aabutin ng 2026. Kaya ang sakit-sakit sa akin. Hindi na rin daw ako puwedeng operahan.Wala raw lunas. Masakit sa akin,” dagdag pa niya.

“Halos araw-araw umiiyak ako. Hindi naman ako nagkulang kay Lord. Although lagi kong sinasabi na walang himala. Kailangan ko po ng dasal. Kailangan ko po ng lakas at sana po makayanan ko ang araw-araw kong buhay sa ngayon.”

Noong 2021, na-diagnose ng pneumonia si Ate Gay at nalampasan niya ang sakit na ito.

SAMANTALA, KILALANIN ANG IBA PANG CELEBRITIES AT PERSONALIDAD NA NAGKAROON NG HEALTH STRUGGLES SA GALLERY NA ITO.


Arnold Clavio
Arnold's comeback
Darren Espanto
Darren update 
Julie Anne San  Jose
Julie Anne's health
Jessa Zaragoza
Jessa's update
Zsazsa Padilla
Zsazsa health
Iza Calzado
Iza's realization
Kristel Fulgar
Kristel operation
Ivana Alawi
Ivana hospital
Shaira Diaz
Shaira's hospitalization

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU