Atletang Ina: Chariz Solomon, naglalaro para sa Team Korea?

GMA Logo Chariz

Photo Inside Page


Photos

Chariz



Agaw atensyon online ang isang larawan na kuha sa game sa pagitan ng Gilas Pilipinas Women's team at South Korea sa FIBA Women's Asia Cup 2023 na idinaos sa Sydney, Australia noong July 1.

Maraming netizen ang nakapansin sa photo na in-upload sa Facebook page ng One Sports+, kung saan tila may hawig ang isang manlalaro sa Korea sa Bubble Gang comedienne na si Chariz Solomon.

Sa Instagram story ng Balitang Ina host, ni-repost nito ang komento ng isang netizen na itinuro na tila twin sister niya ang Korean athlete.

Hirit ni @djaceramos, “Hoy @charizsolomon kailan ka pa naging basketball player ng Korea?!!”

Nagtapos sa 6th place ang Philippine Team sa FIBA Women's Asia Cup.

Samantala sa darating na Linggo ng gabi, mapapanood na ang Bubble Gang sa bago nitong timeslot na 6:00 p.m. sa Sunday Grande sa gabi.

TINGNAN ANG ILAN SA NAKAKATAWANG POST NG NETIZENS SA KAHAWIG NI CHARIZ SOLOMON DITO:


Balitang Ina
Chariz
Proud
Basketball
Galing
Other Team

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU