Atom Araullo admits he's in a relationship: 'Matagal na'

Isa sa mga pinakamailap magkuwento tungkol sa kanyang love life ay ang broadcast journalist at documentarist na si Atom Araullo. Sa katunayan, maging ang relationship status niya noon, walang makasiguro kung meron na nga ba o wala pa.
Kaya naman, sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, November 28, tila nilagay ni King of Talk Boy Abunda si Atom sa hot seat nang tanungin niya ang lagay ng puso nito.
Ani Boy, “Do you have a girlfriend now?”
Na sinagot naman ni Atom ng “Yeah, yeah.”
Pagbabahagi ni Atom, matagal na ang kanilang relasyon, ngunit hindi niya masabi kung gaano katagal na dahil hindi naman sila nagbibilang. Hindi na ibinigay ng batikang documentarist ang pangalan ng kanyang nobya, ngunit sinabing “public” din ito.
“She is public. I think people know, people on social media know, they see us outside,” sabi ni Atom.
Aminado rin si Atom na napag-uusapan na rin nila ang kasal, at sinabing hindi naman mawawala iyon sa isang couple na nasa isang seryosong relasyon.
“It's something that you think about, something that you ready for, but you know, parang hindi naman siya...I mean, I'm not setting a deadline or a timeline for it,” sabi ni Atom.
BALIKAN ANG PAGBABALIK TANAW NI ATOM TUNGKOL SA PAGIGING TORPE NIYA SA GALLERY NA ITO:
Pinag-usapan din nila ang pagiging public ng ilang personalities tungkol sa kanilang mga relasyon at ayon kay Atom, ito ang isang bagay na maaari din niyang gawin.
Pero paglilinaw niya, “It's not like I would keep it a secret, but at the same time, there's a nice balance I think na you keep things, some things to yourself. Parang some things are not for public consumption. Pero it's not like tinatago mo, iba naman 'yung tinatago.”
Ani Atom, napag-uusapan naman nila ito dahil pagdating sa ganitong mga bagay, “you have to be on the same page.”
“Kasi baka naman sabihin 'Tinatago mo ba 'ko?' Meron din kasing ganu'n,” sabi ni Atom.
Samantala, ngayong Linggo, November 30, ay ang premiere ng bagong documentary ni Atom na The Atom Araullo Specials. Dito ay ibabahagi ng batikang documentarist kung paano unti-unti nang nagiging rising star sa turismo ang Siquijor.
"For us, as we showcase the beauty of the island, ang question nga na pino-post namin is 'Is it ready for the next step?' Kasi maraming mga tourist destination sa Pilipinas, kapag hindi maayos ang development, nagkakaproblema sa basura, over tourism," sabi ni Atom.
Dito, ibinahagi niya ang kahilingan na mapanatili ng Siquijor ang mahika nito.
Abangan ang “Magic Island” sa The Atom Araullo Specials this Sunday, November 30, 3:15 p.m. sa GMA.
MEANWHILE, CHECK OUT ATOM'S EVOLUTION IN THIS GALLERY:














