AZ Martinez at River Joseph, sa kasikatang hatid ng 'PBB': 'We've really been waiting for this moment'

Matapos hirangin bilang fourth big placers sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition, mas dumami na raw ang nakakakilala kina AZ Martinez at River Joseph, at nadagdagan pa ang kanilang mga proyekto.
Kasalukuyang napapanood si AZ sa GMA Prime series na 'Beauty Empire.' Kamakailan din ay inanunsiyong ang Sparkle talent sa longest-running comedy gag show na Bubble Gang. Sa kabilang banda, si River ay may upcoming movie, kasabay ng kaniyang on-going na serye.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, July 23, kinamusta ni King of Talk Boy Abunda ang karanasan nina AZ at River matapos lumabas ng Bahay ni Kuya. Ayon sa AZVer Duo, malaking pagbabago ang nararansan nila ngayon.
Alamin ang buong kwento nina AZ at River tungkol sa kanilang karanasan sa gallery na ito:










