Babae, biyuda agad matapos ang 19 na araw sa 'Magpakailanman'

Isang kuwento ng mapaglarong tadhana ang tampok sa Magpakailanman.
Sa episode na pinamagatang "The 19-Day Bride," mapapanood ang kuwento ng magkasintahang sina Gemma at Japs.
Very compatible ang dalawa dahil pareho sila ng mga mga hilig at personalidad.
Magkakaroon sila ng malaking hindi pagkakaunawaan pero maayos rin nila ito at magpapakasal.
Masayang-masaya sina Gemma at Japs na magsimula ng bagong buhay nila bilang mag-asawa pero darating ang isang malaking trahedya.
Maaaksidente si Japs at mamamatay 19 araw lang matapos silang ikasal.
Paano matututunan ni Gemma na mabuhay nang wala si Japs?
Abangan ang "The 19-Day Bride," March 8, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






