Regal Studio Presents
Babae, gustong magpabura ng tattoo sa 'Regal Studio Presents: Tattooed on My Heart'

Para sa tattoo lovers ang brand-new episode ng weekly anthology series na Regal Studio Presents.
Sa episode na "Tattooed on My Heart," gustong ipabura ng isang heartbroken na babae ang couple tattoo nila ng boyfriend na manloloko.
Makikilala niya ang isang guwapong tattoo artist na ready na tumulong sa kanya kahit tila may dinadala din itong sarili niyang heartbreak.
Paano nila tutulungang mag-move on ang isa't isa?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "Tattooed on My Heart," November 2, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:






