Babae, laging sawi sa kapalaran sa 'Magpakailanman'

GMA Logo Reyna ng Bubog

Photo Inside Page


Photos

Reyna ng Bubog



Kuwento ng babaeng tila walang pahinga sa kasawian ang tampok sa bagong episode ng Magpakailanman.

Pinamagatang "Reyna ng Bubog," tungkol ito sa buhay ni Maricris na sunod-sunod ang hinarap na pagsubok sa buhay.

Nagahasa siya sa edad na 12 at nabuntis pa mula rito. Dahil na rin sa kanyang murang edad, kinailangang ipaampon sa kanyang tiyahin ang kanyang anak.

Inabandona siya ng kanyang ina at makukulong pa ang kanyang ama. Lumayas naman ang isa niyang kapatid, habang namatay naman sa cancer ang mas nakababata niyang kapatid na babae. Ang natitira niyang kapatid, kikitilin naman ang sarili nitong buhay.

Hindi rin pinalad si Maricris sa pagbuo ng sarili niyang pamilya. Magkakaroon sila ng dalawang anak ng lasenggo at pabaya niyang mister. Kalaunan ay hihiwalayan rin niya ito.

May pag-asa pa bang maging masaya at maginhawa ang buhay ni Maricris?

Abangan ang brand-new episode na "Reyna ng Bubog," July 27, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:


Katrina Halili
Lito Pimentel
Adrian Alandy
Mark Dionisio
Sawi
Ginhawa
Reyna ng Bubog

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
Bank robbers in Italy hold 25 people hostage
GMA Kapuso Foundation, namahagi ng tulong sa mga apektado ng mahal na langis sa Mt. Province sa ilalim ng Operation Bayanihan Project | 24 Oras