Babae, magiging kabit ng kanyang dating asawa sa 'Magpakailanman'

Kuwento ng kakaibang love triangle ang matutunghayan sa bagong episode ng Magpakailanman.
Sa episode na pinamagatang "Asawa Noon, Kabit Ngayon," masaya si Racquel dahil ipinagbubuntis niya ang unang anak nila ng mister na si George.
Hindi niya alam na 12 days matapos ang kanilang kasal, muling nagpakasal si George sa babaeng nagngangalang Suzette.
Sino sa kanila ang legal wife at sino sa kanila ang kabit?
Abangan ang brand-new episode na "Asawa Noon, Kabit Ngayon," September 28, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






