Babae, mapapangasawa ang sariling kapatid sa 'Magpakailanman'

Isang maselang paksa ang tampok sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Sa episode na pinamagatang "My Forbidden Love," matutunghayan ang kuwento ng dalawang tao na iibig habang hindi alam na sila pala ay magkapatid.
Inabandona at ipinamigay ng nanay niyang lulong sa droga si Elaine (Andrea Torres) sa isang drug lord.
Nakaranas si Elaine ng pagmamalupit habang nasa poder nito at napilitan pang maging drug runner.
Makikilala niya sa Randy (Dion Ignacio) na magpapadama sa kanya ng kabutihan at pagmamahal.
Magdedesisyon sila na lumayo para magsimula ng bago nilang buhay at bumuo ng sarili nilang pamilya.
Pero nang mamatay ang nanay ni Elaine, masisiwalat na kapatid niya pala sa ama si Randy!
Ngayong alam na nila ang tunay nilang ugnayan, ano ang mangyayari sa pamilyang pinaghirapan nilang buuin?
Abangan ang brand-new episode na "My Forbidden Love," November 22, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






