Babae, may kakambal na malas sa '#MPK'

Isang kuwento ng babaeng tila hindi nilulubayan ng malas ang mapapanood sa bagong episode ng real life drama anthology na '#MPK' o 'Magpakailanman.'
Friday the 13th ipinanganak si Mariel o kilala sa palayaw niyang Lala at dahil dito, tila may kakambal siyang kamalasan.
Tuwing pumapalaot ang kaniyang tatay para mangisda, ito lang ang uuwing walang huli kahit na hitik sa isda ang lambat ng mga kasamahan nito.
Bukod doon, laging naba-bankrupt o nagsasara ang mga lugar na pinagtatrabahuhan ni Lala.
Hindi naging maganda ang relasyon ni Lala sa kaniyang pamilya dahil takot rin ang mga ito sa malas na nakadikit sa kaniya.
Sa isang pambihirang pagkakataon, makikilala ni Lala ang Australian na si David. Bibisita pa ito sa Pilipinas dahil very much in love ito kay Lala at nais niyang mas magkakilala pa sila ng lubusan.
Si David na ba ang susi sa pagbabago ng kapalaran ni Lala? O didikit din ba kay David ang kakambal na malas ni Lala?
Abangan ang brand new episode na "Unlucky Girl: The Mariel Larson Story," May 20, 8:00 p.m. sa '#MPK.'
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






