Babae, reunited sa kanyang pamilyadong first love sa 'Magpakailanman'

GMA Logo The Woman That Got Away

Photo Inside Page


Photos

The Woman That Got Away



Balikan ang tamis ng first love sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.

Sa episode na pinamagatang "The Woman That Got Away," muling magkikita ang dating magkarelasyon na sina Paeng at Beth.

First love nila ang isa't isa at aminado silang hindi pa sila nakakapag-move on mula sa kanilang hiwalayan.

Gusto man nilang i-rekindle ang kanilang romance, hindi maari dahil pamilyado na si Paeng.

Bakit nga ba muli pa silang pinagtagpo ng tadhana?

Abangan ang brand-new episode na "The Woman That Got Away," March 29, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:


Vina Morales
Gary Estrada
Chuckie Dreyfus
Arny Ross
First love
Reunion
The Woman That Got Away

Around GMA

Around GMA

NBA: Timely Stephen Curry scoring helps Warriors defeat Mavericks
Christmas not the same for all, calamity survivors show