Babaeng hindi mahilig sa halaman, nagmana ng gardening business sa 'Regal Studio Presents: Green Thumb, Pure Heart'

Para sa mga plantitos at plantitas ang bagong episode ng weekly anthology series na Regal Studio Presents.
Pinamagatang "Green Thumb, Pure Heart," tungkol ito sa isang gardening business na nanganganib.
Hindi maalam sa mga halaman si Divine (Arra San Agustin) pero siya ang nagmana ng gardening business ng tatay niya.
Lahat ng inaalagaan niyang halaman, nalalanta kaya mag-aalok ng tulong si Nardo (Royce Cabrera), isa sa naging past scholars ng tatay ni Divine.
Hiyang ang mga halaman sa pag-aalaga ni Nardo pero mataas ang pride ni Divine.
Tatanggapin ba ni Divine ang tulong ni Nardo?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "Green Thumb, Pure Heart," January 25, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:





