Magpakailanman
Babaeng inabuso, magtataksil sa asawa sa 'Magpakailanman'

Kuwento tungkol sa matinding childhood trauma ang tampok sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Pinamagatang "Abused Daughter, Unfaithful Wife," tungkol ito kay Laly na nakaranas ng sexual abuse sa kamay ng kanyang stepfather noong siya ay bata pa.
Bitbit ni Laly ang trauma na ito hanggang sa kanyang pagtanda. Apektado rin nito ang magiging relasyon niya sa mga lalaking mamahalin niya.
Abangan ang brand-new episode na "Abused Daughter, Unfaithful Wife," August 16, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






