Babaeng madiskarte, baon sa utang sa 'Regal Studio Presents: 'Til Debt Do Us Part'

Kuwento ng diskarte ang matutunghayan sa bagong episode ng Regal Studio Presents.
Ang "'Til Debt Do us Part" ang unang episode ng bagong season ng weekly anthology series.
Napilitan si Maya na maungutang sa isang loan shark dahil sa hospital bills ng nanay niya.
Matataranta siya sa pagdating ng debt collector na si Alex.
Gagawin ni Alex ang lahat para ma-pressure si Maya na magbayad ng utang.
Sa paghahabol niya dito, makikita niya ang pagsisikap ni Maya at pipiliin niyang tulungan ito.
Makakabayad ba si Maya sa utang niya dahil sa change of heart ni Alex?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "'Til Debt Do Us Part," July 5, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:






