Babaeng matapobre, babaliktad ang buhay sa 'Regal Studio Presents: Is This Me?'

Matitikman ng isang babae ang kabaliktaran ng kaniyang marangyang buhay sa isang episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Nasanay na si Helena (Ashley Ortega) sa isang buhay na puno ng kasaganahan at dahil dito, tila nakalimutan na niyang maging magiliw at mapagkumbaba.
Matapos ang isang aksidente, mabibigyan ng second chance sa buhay si Helena. Magigising na lang siya sa isang buhay na malayo sa kanyang kinagisnan.
Siya na ngayon si Josie, babaeng walang trabaho at nakatira sa isang bahay na payak.
Paano sasanayin ni Helena ang sarili sa bagong buhay niya?
Abangan ang episode na "Is this Me?," May 11, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






