Babaeng nakulong, hinihintay na lang ang kamatayan sa 'Magpakailanman'

Nagpapatuloy ang kuwento ni Linda, isang babaeng naging hired killer sa pangalawang bahagi ng two-part 23rd anniversary special ng Magpakailanman.
Sa episode na pinamagatang "Ang Babae sa Death Row," nasa piitan na si Linda dahil sa pagpatay niya sa lalaking nanggahasa sa kanyang kaibigan.
Nahatulan siya ng death penalty at hinihintay na lang ang oras ng kanyang kamatayan.
Magkakaroon pa ba ganang mabuhay si Linda kung bilang na ang mga oras niya sa mundo?
Abangan ang brand-new episode at pangalawang bahagi ng two-part 23rd anniversary special na "Ang Babae sa Death Row," December 6, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






