'Badjao Girl' Rita Gaviola, nakapagtapos na ng senior high school

GMA Logo badjao girl

Photo Inside Page


Photos

badjao girl



Proud na ibinahagi ng internet personality na si Rita Gaviola a.k.a. "Badjao Girl" na nakapagtapos na siya ng senior high school.

Sa social media, ipinakita niya ang kanyang larawan kung saan nakasuot siya ng toga kasama ang kanyang partner na si Jeric at kanilang anak na si Kia.

"Kayo yung dahilan kung bakit ginagalingan ko sa lahat ng bagay," sulat ni Rita sa caption.

Marami naman ang nagpaabot ng pagbati sa newly grad para sa bagong achievement nito.

"Aabangan ka namin sa college journey mo," komento ng Instagram user na may handle na @merksvins.

Hinangaan naman ni @mimijome si Rita dahil nakuha niya pa ring makapagtapos ng pag-aaral sa kabila ng pagiging ina at maybahay, at pagiging breadwinner ng kanyang pamilya. May pito siyang kapatid.

"Congratulations baby Rita patuloy lang sa page akyat pataas patungo sa pag tupad ng Yong pangarap salamat at di mo isinuko ang iyong [pangarap] dahil yan ang magdadala sayo sa pag angat..at yan ang kayamanan mo na di makukuha ng kahit na sino god bless you at sa'yong pamilya," sabi sa komento.

Nag-viral noon si Rita nang makuhanan siya ng litrato habang nanliimos sa Pahiyas Festival sa Lucban, Quezon noong May 2016. Labingtatlong gulang siya noon.

Karga pa niya ang kanyang nakababatang kapatid, na nagpaantig sa puso ng netizens.

Bagamat bakas sa hitsura niya ang kahirapan, litaw ang ganda si Rita na isang Badjao kaya naman binansagan siyang "Badjao Girl."

Balikan ang nakakaantig na kuwento ng pagbangon ni "Badjao Girl."


Rita Gaviola
Badjao Girl
Limos
Breadwinner
Kahirapan
Judgment
Pangarap
Model
Proud Badjao
More opportunities
Beauty pageant
Endorsements
Regalo
Proud mother
Negosyo

Around GMA

Around GMA

Chile votes in presidential race expected to lurch country to the right
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE