Bagong kasal, guguluhin ng lolang naghahanap ng suwerte sa 'Regal Studio Presents: Newlyweds'

GMA Logo Newlyweds

Photo Inside Page


Photos

Newlyweds



Kuwentong suwerte ang hatid ng bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.

Sa episode na pinamagatang "Newlyweds," haharapin ng isang pares ng bagong kasal ang isang lola na laging naghahanap ng suwerte.

Kababalik pa lang mula sa kanilang honeymoon nina Aldrin (Rob Gomez) at Mhay (Faye Lorezo) pero mayroon agad silang unexpected guest.

Darating ang lola ni Mhay na si Dolores (Mosang) at pansamantala muna itong makikituloy sa kanila.

Gagawin ni Dolores ang lahat para lumapit ang suwerte kina Aldrin at Mhay. Kaya lang, tila nanghihimasok na siya sa lahat ng kilos at desisyon ng mag-asawa.

Suwerte nga ba ang dala ni Lola Dolores kina Aldrin at Mhay o siya pa ba ang magiging sanhi ng paghihiwalay ng mga ito?


Abangan ang brand-new episode na "Newlyweds," March 10, 4:15 p.m. sa Regal Studio Presents.


Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com/KapusoStream.


Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:


Rob Gomez
Faye Lorenzo
Mosang
New life
Luck
Future
Newlyweds

Around GMA

Around GMA

Unang Balita sa Unang Hirit: (Part 2) JANUARY 20, 2026 [HD]
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft